of 5
All materials on our website are shared by users. If you have any questions about copyright issues, please report us to resolve them. We are always happy to assist you.

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Category:

Music & Video

Publish on:

Views: 43 | Pages: 5

Extension: PDF | Download: 0

Share
Description
Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Isaias 35:8-10 Isang Lansangan sa Pamamagitan ng Disyerto ni Rev. Carl Haak Sa nagdaang mga
Transcript
Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Isaias 35:8-10 Isang Lansangan sa Pamamagitan ng Disyerto ni Rev. Carl Haak Sa nagdaang mga linggo ating isinaalang-alang ang magandang hula na matatagpuan sa Isaias 35. Ngayon ay pupuntahan ang mga talatang Dito ating mababasa: At magkakaroon doon ng isang lansangan, at ng isang daan, at tatawagin Ang daan ng kabanalan; ang marumi ay hindi daraan doon; kundi magiging sa kaniyang bayan: ang mga palalakad na tao, oo, maging ang mga mangmang, ay hindi mangaliligaw roon. Hindi magkakaroon ng leon doon, o sasampa man doon ang anomang mabangis na hayop, hindi mangasusumpungan doon; kundi ang nangatubos ay lalakad doon. At ang pinagtutubos ng Panginoon ay mangagbabalik, at magsisiparoong nagaawitan sa Sion; at walang hanggang kagalakan ay mapapasa kanilang mga ulo: sila'y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan, at ang kapanglawan at ang pagbubuntong-hininga ay mapaparam. Silang mga nanggaling sa Caanan ay nagsasabi sa atin na may isang daanan na nagsisimula sa isang maliit na nayon ng Betlehem, na patungo sa hilaga at silangan ng Jerusalem. Ang totoo, nagsimula ito sa pintuan na naghahatid sa burol na nasa labas ng Jerusalem na hugis ng isang bungo. Ang unang naglakbay sa daang ito ay maglalakbay mag-isa. Ito ay makitid, na may kasamang kulog at kidlat, nakakatakot at mapanganib, may mga kaaway. At sa Kanya ito ay isang lugar ng napakabigat na pasanin. Hindi Niya nakaligtaan isa mang hakbang sa burol ng bungo. Mula sa burol sa labas ng Jerusalem, ang daan ay naghahatid patungo sa isang sementeryo, kung saan maraming mga libingan ay nakabukas. At mula sa isang libingan, isang libingan ng napakayamang lalaki, isang malaking bato ang pinagulong. At lahat ng masasabi mo lang, ito ay isang libingan: Ito ay walang laman. Mula sa sementeryo, ang daan ay putol na naman patungong Jerusalem, hanggang sa isang hardin ng puno ng Olibo at isang magandang bundok na tinatawag na Olibo. At mula sa rito ang daan ay naghahatid patungong ulap, sa isang siyudad na ang nagtayo ay ang Dios, mula sa mga pintuang perlas, at hanggang sa mga kalye ng ginto, malapit na isang napakalinaw na ilog, at isang puno ng Buhay, na may mga tinig at kagalakan, ang mga bata ay naglalaro sa mga kalye, at ang matatandang lalaki ay nagagalak. Walang ilaw para sa mga kalye. Dahil Siya na naglalakbay para sa atin ay ang Ilaw ng siyudad na iyon. Ang daan ay patungo sa sentro ng siyudad, at doon ating makikita ang isang trono, mataas ang kinalalagyan. Siya na nakaupo ay naghahari sa lahat kailanman. Siya na naglalakbay sa daan ay nauupo sa Kanyang kanang kamay, ang pinagpala at inibig ng Ama. Mula pa noon, Siya sa Kanyang sarili ay nanguna sa kanila na tinubos Niya sa Kanyang krus sa daanan sa pamamagitan ng isang disyerto. Isang maliwanag na daan, ang bawat bato ay inilatag ng Kanyang kamay. At Siya mismo ay naglalakad na kasama natin. Sila ngayon na naglalakad sa daan na iyon ay tinubos, at binayaran ng Panginoon, tinubos sa pamamagitan ng Kanyang dugo. Ang kasalanan nilang ito ang nagpabigat sa Kanyang pasanin sa krus ng Kalbaryo. Kung iyong titingnan ang mga bisig ng tinubos, makikita mo ang mga tanda ng gapos ng kasalanan, dahil sila ay nabihag nito. At sa kanilang Page 1 of 5 mga likuran, ang mga peklat ng kasalanan. Kanyang pinapangunahan sila sa isang daan na madalas ay malalim at walang katapusang bangin. Kanyang pinapangunahan ng madalas ang Kanyang bayan sa mga ilog at mga araw ng pamamahinga at araw ng kadiliman. Subalit Siya sa Kanyang sarili ay kasama nila. At Kanyang pinapangunahan sila sa siyudad na kung saan Siya ang Hari, sa magaspang na pinto na ang tawag ay kamatayan at sa ibabaw ng isang ilog na ang tawag ay Jordan, sa Zion, kung saan ang lahat ng kalungkutan ay napapawi. Sila ay nagising kasama ang Kanyang pagkakatulad. Kanilang nakita ang Kanyang mukha nang walang katapusan. Sila ay may galak at katuwaan. Nabuhay sila dito at pinupuri ang Dios ng walang katapusan. Ikaw ba ay nasa daang ito? Nalalaman mo ba ang daang ito? May isa pang daan. ito ay malawak. Ito ay patungo sa tinatahanang mga lugar ng kasalanan. Ito ay naghahatid sa lahat ng lugar kung saan dito patungo ang makasalanang pagmamataas. At ito ay natatapos sa pagkawasak at sa isang lawa ng apoy. Dumating ang Mesias. Ang pagpapala ay ito: Kanyang kinukuha tayo, sa pamamagitan ng Kanyang biyaya at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang walang hanggang paggawa, tungo sa pagyakap sa Dios. Kanyang ginagabayan at binabantayan at hinuhubog at inihahanda tayo. At sa wakas Kanyang tinatanggap tayo sa kaluwalhatian. Kanyang ginagawa ito sa daan ng kabanalan sa pamamagitan ng disyerto. Ikaw ba ay patungo dito? Ang Isaias 35 ay nagsasabi, na ating nakikita, ang biyayang pagpapala sa atin kapag ang ating matagal nang inaasahan na si Jesus ay ipanganak at magsagawa ng pagkilos sa atin. Ating balikan ng mabilis kung ano ang ating nakita sa kabanatang ito. Lahat ng mga katanungan kung sino at ano ang sinasabi ni Isaias tungkol sa Isaias 35 at sinagot ng talatang 4: Narito, ang iyong Dios ay dumarating siya ay darating at ililigtas ka. Ito ay si Jesu Cristo, ipinanganak ni birheng Maria. Sinasabi ng kabanata na ang Kanyang pagdating ay nagdadala ng pinaka kahanga- hangang pagbabago. Sa naunang mga talata tayo ay may paghahambing sa mga bulaklak, ang mensahe na tayo ay lubos na makasalanan at rebelde sa harap ng Dios ay pinatatawad at binabago. Pagkatapos sa talatang mga 3-6 ang larawan ng mga mahihinang mga kamay, silang nga madaling matakot. Sila ay inutusang huwag matakot, kundi tumayo na may malaking pagtitiwala, dahil ang mga mata ng bulag at ang mga tainga ng mga bingi ay mabubuksan, ang lumpo ay makakalakad, at ang dila ng mga pipi ay aawit. Magkakaroon ng isang maluwalhating pansariling pagbabago. Pagkatapos sa mga talatang 6-7 may sagot tayo sa tanong na: Lahat ba ng kaligtasang ito ay tunay at totoo, o ito ay isa lamang malikmata? Ito ba ay isang huwad na pag-asa tulad ng huwad na pag-asa ng tao sa sanlibutang ito? At ang sagot ay, Hindi, si Jesus ay tunay na buhay na tubig. Na minsan nating inilatag sa kasalanan, ngayon tayo ay pinapagpala sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu. At ngayon sa mga talatang 8-10 sinabi sa atin magkakaroon doon ng isang lansangan, ito ay sa disyerto. Hindi lamang ito sa disyerto kung saan si Jesus ay nagbigay ng tubig para sa atin, kundi bibigyan tayo ng isang lansangan na ating paglalakbayan. Ang disyerto ay ang lugar ng pagkawasak, hindi lamang dahil ito ay tuyo, kundi dahil din tayo ay naliligaw. Isang lansangan ay narito. Sa sanlibutan, kung saan tayo ay naligaw, kung saan tayo ay matutukso, kung saan tayo ay aakitin at hihilahing papalayo sa disyertong ito ay may daan, isang lansangan, isang lugar na inihanda at maliwanag. At ang Mesias, ang Page 2 of 5 sariling Anak ng Dios, na nagligtas sa atin, ay pangungunahan tayo sa pamamagitan ng disyertong ito ng kasalanan at dadalhin tayo sa Ama sa kaluwalhatian. Nagiging napakalinaw kapag iyong pinag-aralan ang aklat na ito ng Isaias, at lalo na ang kabanatang ito, na sa unang pagkakataon ay may hula tayo dito sa pagbabalik ng Juda sa pagkakabihag ng Babilonia. Ang pagtubos sa talatang 10, ang pinagtutubos ng Panginoon ay mangagbabalik, at magsisiparoong nag-aawitan sa Sion. Gaya ng inihula ni Isaias, dadalawin Niya ng mayabang at suwail na Juda na may kahatulan. Kanyang papaluin ang Kanyang mga anak. Sila ay pahihinain ni Nebuchadnezzar at bibihagin sa loob ng pitongpung taon ng Babilonia. Subalit ipinauna ng Dios ngayon, sa Isaias 35, na Kanyang ibabalik ang Zion mula sa Mesopotamia, sa pamamagitan ng disyerto. Kahit pa si Moses na minsang pinangunahan ang bayan ng Israel mula sa Ehipto patungong Canaan, kaya sila ay ibabalik muli sa Babilonia sa kanilang sariling lupain. Sila ay pupunta na may galak at saya. Subalit ito ay larawan ng ating pagkatubos mula sa kasalanan, at mula sa buhay na hungkag. Na darating sa atin sa pamamagitan ng Emmnuel, ang Anak ng Dios. Hindi lamang nagsasalita si Isaias tungkol sa isang pisikal na lansangan sa pagitan ng kasalukuyang panahon ng Bagdad at Jerusalem. Hindi niya sinasabi ang tungkol sa isang tuwid na lupain kung saan ang mga arkeologo ay makakatagpo ng banga na maiiwan ng mga Judyo pagbalik. Hindi niya tinutukoy ang isang aspaltong daan mula sa sa Mesopotamia hanggang Israel o isang riles mula sa Ehipto hanggang Palestino. Bagkus, ang sinasabi ni Isaias ay tungkol sa daan ng Dios, ang daan palabas sa kasalanan, palabas sa disyerto ng sala at ng pagkakaalipin ng kasalanan tungo sa buhay na walang hanggan, isang daan ng kabanalan, isang daan na magdadala sa walang katapusang kagalakan, kung saan ang kalungkutan at hikbi ay mapapawi. Ito ang daan ang kaligtasan. Ang sinasabi ni Isaias ay si Cristo mismo, na siyang nagsabi, Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang mapupunta sa Ama malibang dahil sa akin. Ang daan ng paghahanda ng Dios sa pamamagitan ng takot at pagsubok, ang daan ng katubusan, ang daan ni Cristo ay ginawa para sa atin mula sa pagkakaalipin ng ating kasalanan, mula sa kamatayan at kalungkutan, tungo sa walang hanggang kaluwalghatian. Alam mo ba ang daang ito? Patungo ka ba sa daang ito? Una sa lahat, ito ay isang malinaw na lansangan. Ang mga taong gala, kahit sila ay mga mapandaya (v.8), ay hindi magkakamali. Ang kaisipan na ang lahat ay napaliwanag, maayos na binuo, madaling makita, malinaw. Ang daan patungong buhay na walang hanggan ay malinaw. Ito ay nakatindig sa dugo at katuwiran ni Jesu Cristo. Paano ang aking kaluluwa ay makakatakas sa kahatulan ng sanlibutang ito? Paano ako makakasumpong ng kapahingahan? Ano ang daan? Hindi ang iyong sarili. Hindi ang iyong mga gawa. Kundi sa dugo at katuwiran ni Jesu Cristo. Dahil sa Akin, wika ni Jesus, Dahil sa Akin, ang lahat ng tao na papasok ay maliligtas. At mananampalataya kaloob ng Dios kung saan tayo ay naniniwala sa katuwiran ni Jesu Cristo at nagpapahayag: Foul, I to the fountain fly; Wash me, Savior, I die. Maliwanag na ang daan ay maayos sa Banal na Kasulatan. Ang Banal na Kasulatan ay ang ilaw na nagliliwanag sa madilim na lugar. Ikaw ba ay naliligaw? Ikaw ba ay naguguluhan? Walang layunin? Wala kang iba na meron kundi mga kahirapan? Ikaw ba ay walang tinatahak sa buhay? Kailan mo binalewala ang Kasulatan? Ang daan ay maliwanag. Ang Biblia ang daan. Ang Ebanghelyo ng pananampalataya at pagsisisi, sinasaliksik ang Kasulatan, araw araw na pananalangin. Sa lupaing disyerto, madaling maligaw. Marami ang naliligaw. Marami ang nawawala sa daan. Marami ang bumabagsak sa sapot ng sanlibutan. Marami ang naliligaw sa kapahamakan. Si Jesus ang daan. Isang lansangan. Isang maliwanag na daan na nahayag sa Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng pananampalataya. Subalit mayroon pa. Dapat itong tawaging daan ng kabanalan. Ang marumi ay hindi makakadaan dito. ito ang daan ng ayon sa kalooban ng Dios isang kasiyahan na sundin ang mga kautusan ng Dios. Ang Page 3 of 5 karumihan, na nadumihan ang kanilang mga sarili at binalewala ang utos ng Dios,na nabubuhay para sa kanilang sarili, ay hindi makakadaan sa daang ito. Iyo bang tinurukan ang iyong sarili ng pagkamanhid mula sa pagkilos ng Espiritu Santo sa iyong budhi? Ang Cristianismo ba sa iyo walang halaga? Walang paglalaban laban sa iyong kasalanan, laban sa pagkagalit, pagkagahaman, kalayawan, pagka-inggit, pagseselos? Pagkatapos ikaw ay tatayo sa daan ng kawalang kabanalan, kasama ang mga makasalanan. Wala ka sa daan. Ang daan na naghahatid sa buhay ay ang daan ng kabanalan, ang daan ng araw-araw na pagsisisi. Ito ang daan ng pag-ibig ni Cristo na humahadlang sa akin. Ito ang ganda ni Cristo sa Kanyang biyaya, at ito pagnanais na paglingkuran Siya at upang palayain mula sa makasalanang sanlibutan. Sa huli, ang daang ito ay ligtas. Ating mababasa, Hindi magkakaroon ng leon doon, o sasampa man doon ang anomang mabangis na hayop, hindi mangasusumpungan doon. Ang lansangan ng kaligtasan, na na kay Cristo dahil sa biyaya, ay isang ligtas na daan. Naghahatid ito ng ligtas na katiyakan. Ang leon (o ang demonyo), ang mabangis na hayop (mga tukso), at ang biglaang pagkatakot (karamdaman at pagkabalisa) lahat ng mga ito ay hindi makakawasak sa bayan ng Dios. Dahil sa daan ng kaligtasan, ating nararanasan ang ganap na pag-iingat at kapayapaan ng ating Pastol. Ang Panginoon ang aking Pastol na humahawak sa akin sa Kanyang pangangalaga. Siya na nananangan sa lihim na lugar ng Kataas-taasan ay mananatili sa ilalim ng anino ng Makapangyarihan. Sa daan ng kaligtasan nagmumula ang pangako na iingatan tayo ng Dios. Ito ang lansangan. Sino na ang nakapaglakbay sa daang ito? Ating mababasa, Ang nangatubos ay lalakad doon; At ang pinagtutubos ng Panginoon ay mangagbabalik, at magsisiparoong nag-aawitan sa Sion. Ang tinubos at binayaran ng Panginoon! Ang malagay sa lugar na ito lansangan, at ang pangalagaan sa daan ng lansangan, dapat munang ikaw ay tinubos. Ang biyaya ng Dios kay Cristo ang magdadala sa iyo sa langit at maglalagay sa iyo sa daan ng langit. Dahil ikaw at ako ay naligaw sa disyerto. Tulad ng iba, tayo ay binili sa pagkakaalipin ng ating kasalanan. Tayo ay nakatali sa malalim na kulungan ng kawalang pag-asa. Ang salitang tinubos at binayaran ay magpapatuwa sa puso ng mga mananampalataya sa Lumang Tipan. Ang mga salitang ito ay magpapaalaala sa kanilang kaluluwa. Ang salitang tinubos ay magpapaisip na mayroon o may isang bagay na mahalaga sa kanila na minsang nailagay sa pag-aari ng iba. Sa Lumang Tipan, tinutubos mo ang iyong anak, o tinutubos mo ang isang lupain na nawala sa iyo dahil sa kamatayan o pag-aangkin. Ito ay pag-aari na ng iba. Nais mong bilhin itong muli pabalik sa iyo. Kaya si Jesu Cristo na ating Manunubos na siyang bumili sa atin, ang nagdala sa atin pabalik mula sa kalaliman ng kasalanan sa Kanya. At pagbili. Ang tinutukoy ay ang pera na ipinambili sa isang alipin. Ano, ang sabi ng Kasulatan? Hindi mo ba nalamaman na ikaw ay binayaran sa mahal na halaga (I Cor. 7:19)? Ang mismong dugo ni Jesu Cristo ay nabuhos upang alisin tayo sa pagkakaalipin ng ating kasalanan tungo sa bahay ng Dios. Lahat ng lumakad sa daan ng langit ay dapat munang tinubos mula sa kanilang kasalanan at binayaran mula sa kanilang kasalanan sa pamamagitan ng kahanga-hangang biyaya ng Dios. Hayaan mong sabihin ko sa iyo ang ibig sabihin nito. Ang taong gala ay nasa daan patungong Sion. Kapag ang Dios, kay Cristo, ay inilagay ka sa daan ng kalangitan, Kanyang inilalagay ang buhay ng langit sa iyong puso, ang buhay na darating sa sanlibutan. Hindi ka lumalakad sa daan sa pamamagitan ng isang disyerto kung saan ay walang tubig sa lupain na iyong patutunguhan o sa lupain na iyong iniibig, o sa isang lupain na hindi ka nababagay. Ikaw ay lumalakad sa daan na maghahatid sa iyo sa inyong tahanan, sa lupaing pinagsilangan mo, sa lupain ng iyong Ama. Page 4 of 5 Kung ang daigdig na ito ang ating tahanan, hindi tayo lalakad sa daan ng tinubos. Kung ang ating kayamanan ay nasa ilalim nito, hindi natin gugustuhin na iwanan ito sa kasalukuyang daigdig. Ang buhay sa siyudad na mula sa itaas ay ibinigay ngayon sa atin. Ang mga pangako, ang mga kagalakan, ang tagumpay ang lahat ng mga ito ay ibinigay sa atin. Subalit dito wala tayong lugar na mapapanatilihan. Ating ninanais ang isang darating. Sa bawat araw wika Niya, Tumayo ka. Ang lupaing ito,ang siyudad na ito, ay wawasakin. Ito ay mawawalan ng kabuluhang tulad sa usok sa Araw ng Panginoon. Sa itaas, sa lansangan na naghahatid sa kalangitan. Silang mga tinubos at mga manlalakbay, at silang mga binigyan ng patuloy na pakikisama, ay ang mga naglakbay sa daang ito ng lansangan. Ating mababasa na ang marumi ay hindi makakadaan dito, kundi ito ay para sa mga naglalakad na tao, at sila ay makakasama nila. Araw-araw ang Panginoong sa Kanyang sarili ay malapit sa kanila. Siya na nagbigay daan, Siya na nagbukas ng daan, Siya na nag-aalis ng bawat harang sa daan, ang Siyang kanilang tagapanguna. Ang Dios ay hindi nagsisimula ng kaligtasan at iiwanan ka sa daan para sa iyong pag-aari, kundi Kanyang sinasamahan ka hanggang sa dulo. Kanyang pinangungunahan ka sa lansangan. Ang lansangan na naghahatid sa pamamagitan ng maraming mga bagay, marahil ngayon ay isang alagaang tahanan, mga takot at panganib, madilim na kalungkutan, pagkabalisa, o karamdaman. Subalit hinding hindi ka Niya iiwanan mag-isa. Ang daan na naghahatid sa Sion, ang bayan ng Dios. Tayo ay darating sa Sion kasama ang mga awitan at walang katapusang kagalakan sa ating mga ulo. Ang patutunguhang ito ay tiyak. Ito ay itinatag. Dadalhin tayo sa kaluwalhatian. Mayroon lamang dalawang daan sa sanlibutang ito. Isa rito ay may hangganan. Ang isa, ay daan ng kasalanan at pagkawasak, pagkahulog, at ang lahat ng mga manlalakbay ay mahuhulog sa impierno. Ang isa naman, ay ang biyaya, ang lansangan ng Hari. Ito ay maghahatid sa kaluwalhatian, at ito ay maluwalhati. Ang kagalakan ay mauuna sa atin na hindi pa natin naramdaman kailanman. Walang kagalakan sa kasalanan. Subalit kay Cristo, ang kagalakan ay mananatili. Ang kalungkutan ay mapapawi. Ang kalungkutan ay tatakas na. Ang pagdadalamhati at kalungkutan at pag-aalala sa buhay na ito ng kasalanan ay mapapawi kailanman. At ating makikita Siya sa lansangan. Isang tingin lang natin sa Kanya, lahat ng ating pagdadalamhati at kalungkutan at sakit na nagpahirap sa atin ay mapapawi. Sa paghahambing, lahat ng kahirapan ay tila magiging magaan na bagay lang. At Kanya tayong sasalubungin. Tayo ay mauupo, at ating sasabihin sa Kanya, Ikaw pala ang sa lahat ng panahon ay nangunguna sa akin sa daang ito. At hindi na tayo maglalakbay pa. Tayo ay magpapahinga sa tahanan, maluwalhati at puno ng pag-ibig. Dahil sa lahat ng ito, si Jesus ay dumating at ipinanganak sa Betlehem. Ang sabsaban at ang krus ay tapos na. Ang libingan ay walang laman. Ang daan ngayon ay nasa harap natin. Kanyang pangungunahan tayo sa tahanan. At ang panawagan ng Tagapagligtas ay: Kalimutan mo na ang sanlibutan, sundan mo ang Hari. Manalangin tayo. Ama, nagpapasalamat po kami sa Iyong salita. Aming dalangin na ito ay maisagawa sa aming mga puso sa araw na ito sa pamamagitan ng pagkilos ng Espiritu Santo. Aming dalangin ito sa pangalan ni Jesus, Amen. Page 5 of 5
Search Related
We Need Your Support
Thank you for visiting our website and your interest in our free products and services. We are nonprofit website to share and download documents. To the running of this website, we need your help to support us.

Thanks to everyone for your continued support.

No, Thanks